SYNOPSIS. kasagsagan ng bagyo, nagiisa sa bahay si Jasmine at walang magawa kaya naisipan niyang i-dramatize uli ang audition piece niya sa isang reality show sa TV. Ngunit bigla na lang may lalaking sumulpot sa kuwartong kinaroroonan niya, nakaumang ang hawak na baril --Si Ralf.Sa pag-aakalang masamang tao ito ay buong lakas na pinalo niya ito sa ulo, dahilan para mawalan ito ng malay. Nang magising Ito,nalaman niyang balak sana nitong saklolohan siya. Inakala nitong humihingi siya ng tulong, kaya naglabas ito ng baril. Naging simula iyon ng pagkakalapit nila. Todo suporta pa ito sa kanya nang matanggap siya sa reality show kung saan siya nag-audition. At lalo siyang namangha nang magtapat ng pag-ibig sa kanya. Hindi siya makapaniwala na magmamahal Ito ng isang tulad niya. Wala na siguro siyang mahihiling pa dahil napaka-sweet nito. Pero may nadiskubre siyang lihim na malaki ang magiging epekto sa samahan nila. *** Hot Intruder Ralf, Jasmine's Intruder By Sweetchil_03 ALL RIGHTS RECEIVED © 2021Bảo Lưu Mọi Quyền
1 chương