Dati pa man, pangarap ko na talaga magkaroon ng sariling love story. Yong tipikal na kuwentong pag iibigan na mababasa lang sa mga nobela. Perfect and very romantic. Lagi kong naiimagine ang sarili ko na mahulog o mapamahal sa lalaking misteryoso, suplado at siyempre guwapo. Sa lalaking may tinatagong kabaitan pero medyo bastos at dahas. Sa lalaki na kahit ubod ng antipatiko ay nagiging malambot dahil sa kahinaan niya ako. That's my ideal love story and ideal man. 'Yon nga lang, sadiyang mapaglaro ang tadhana at pagkakataon. Minsan kasi kung ano pa ang inaasahan at gusto nating mangyare sa buhay, iyon pa ang hindi natutupad. Kagaya na lang ng relasyon na kinasadlakan ko ngayon. Hindi ito ang pinangarap ko. Hindi ito ang ginusto ko. Malayong malayo ito sa fiction stories na nabasa at kinamulatan ko. This is not perfect. This is not romantic. Isa itong sakuna, giyera. Kung ang mundo ay World War 3, kami naman ay umabot na ng World War 69. He is Peter Diosdado Faceronda, also know as Pido. Balahura, bastos, walang modo, pilyo, sutil, tarantado at marami pang pangit na katangian na mahirap na pangalanan. I hate him. He isn't my ideal man. He is my worst enemy and yet . . . My boyfriend. ______________________ Title: My Worst Enemy is My Boyfriend Genre: Romcom Status: On Going