sa kabila ng magulong mundo hindi ka nag-iisa Ikaw man ay nilulukob ng pagkapagal' Ito ang magsisilbi mong kanlungan titila rin ang ulan gaano man kalakas ang alulong nito sa kalangitan huhupa rin ang pagluha sa iyong mga mata gaano man kalalim ang dinulot nitong mga sugat maghinilom ka at muling babalik sa nasimulan yayakapin ka ng katotohanang sa kabila ng unos at madilim na kaulapan ika'y may masisilungan narito ang aking mga salita pumipintig na pulsong mga tula para sa iyo'y tutugma halika at samahan mo akong simulan ang bawat umaga sa isang... Tugmaang Paalala ...
17 parts