Sa pag-ibig may batas, kapag sumugal ka, dapat handa ka. Handa kang masaktan at mabigo. Larawan ng babaeng handang sumugal pagdating sa pag-ibig si Aevan, ngunit hindi niya lubos akalain na ito rin ang sisira sa kanya. Subukan man niyang kalimutan ang mga nangyari ngunit sadyang traydor ang mga alaala maging ang kanyang damdamin. Matakasan man niya ang kanyang nakaraan ngunit hindi ang katotohanan na minsan niyang pinagkait ang kanyang anak sa ama nito na nagdala sa kanya sa mas mahirap na sitwasyon. Sa muling pagtatagpo ng mga landas nina Aevan at Khai, mapagbibigyan kaya muli ang mga damdamin nila na minsang lumigaya sa piling ng bawat isa, o panahon na para tuldukan ang kabanata para sa kanilang dalawa? A side story of Aevan and Khai. P.S: Read the "I'm His Martyr Wife," if you want to know how the two main characters meet each other. AVOID SPOILER! THANK YOU.