Sa buhay may kanya-kanyang kuwento ang iyong mababasa. Karaniwan na ang nakakaiyak dahil masakit sa dibdib kung ito ay iyong dadanasin. Meron nakakainspire dahil sa gitna ng mga pagsubok nakakaraos at nairaraos din ang lahat. At yung kalmahan lang. Ang kuwentong ito ay hango sa kung paano nga mabuhay ng normal sa hindi normal sa sitwasyon. Paano ang buhay ng isang tao ay napipintahan ng iba't-ibang kulay. Ito ang kuwento ni Clint, sinisi sa kanya ang pagkakaroon ng kapansanan ng kapatid dahil sa aksidenteng naganap noong bata pa sila, mula noon naging malupit ang ama sa kanya lalo pa nalaman na malambot ito. Pero hindi lang doon matapos iyon nagkaroon ng kakaibang kakayahan si Clint, at ito ang makakita ng multo at elemento. Hindi man niya ito binibigyan pansin pero parang kabute na sumusulpot ang mga ito sa kanyang harapan hanggang sa matutunan na lang niyang ipagkibit balikat ang pagpaparamdaman nila. Hanggang sa dumating ito sa kolehiyo at magtagpo ang landas nila ni Nathaniel na sa tuwing magkalapit sila ay hindi ito nakakakita o nakakaramdam ng multo o elemento. Doon din nagsimula ang samahan sa pagitan ng dalawa. Ngunit dadaan sa bakit at pero ang lahat. Saan kaya hahantong ang dalawa? Hanggang saan makakarating ang anumang nasimulan na nilang dalawa?