Kinse-anyos ng mabuntis at tinakwil ng mga magulang, inabandona ng kasintahan ay mag isang tinaguyod ni Therese ang kanyang 3 taong gulang na anak. Sanay siya sa marangyang pamumuhay kung kaya't hindi naging madali ang kanyang pinag daanan sa loob ng mga taong nagiisa lamang siya kasama ang anak. Pero kahit ganun ay masaya naman siya sa kung anong mayroon siya ngayon, sa tulong na din ng kanyang Nana Selda na siyang tumayong Ina niya sa mga panahong wala siyang matakbuhan at nangangapa sa dilim. Pero paano kung ang masaya at tahimik na pamumuhay kasama ang kanyang anak ay unti-unting maglaho dahil narin sa kanyang nakaraan, Paano niya tatakbuhan ang mga ito kung tadhana na mismo ang gumagawa ng rason para sila ay magtagpo. VI•XXI•MMXXI