12 parts Complete Walang label, walang malinaw na simula, at walang malinaw na ending. Pero totoo siya - sa paraan na minsan lang mangyari sa buhay.
Ito 'yung kwento ng dalawang taong nagtagpo sa gitna ng katahimikan. Nagsimula sa isang simpleng chat, isang "Hi," isang wave. Walang balak, walang plano. Pero unti-unting naging safe space ang bawat mensahe. Naging parte ng gabi, ng araw, ng puso.
Pero tulad ng maraming kwento na hindi pinangalanan, unti-unti rin siyang nawala. Walang paliwanag. Walang paalam. Ghosting, ika nga - pero masakit pa rin kahit walang naging "kayo."
Ang masakit? Hindi mo alam kung may karapatan ka bang masaktan.
Pero sa kabila ng lahat, hindi ito kwento ng galit. Hindi rin ito kwento ng pagsisisi. Isa itong halos love story - puno ng what ifs, could have beens, at almosts.
Natutunan nilang magmahal nang tahimik. Masaktan nang walang kasalanan. At bumitaw nang may dignidad. Kasi minsan, kailangan mong piliin ang sarili mo - kahit mahal mo pa.
Years from now, baka magtagpo ulit sila. Isang sulyap. Isang ngiti. O baka wala na. Pero ang mahalaga, minsan, sa isang sandali ng buhay nila... naging totoo ang "between us."
At kahit hindi naging "tayo," naging sapat na rin.