[TAGLISH] Andreya has become Mayari, the next Rana of Silang, an alternate Philippines where colonization did not happen and royalty still exists. Her to-be-husband, Raja Agares, is all charming and every bit the image of a perfect man. But their picture-perfect, high-profile marriage is the farthest thing from easy, and forces are at work to tear them--and the country--apart. *** What if, hanggang ngayon, in modern-day Philippines, namumuno pa rin ang mga Raja't Datu sa bansa? Ito ang bumungad kay Andreya nang magbukas ang mga mata niya isang araw. Nagising siya sa katawan ni Mayari, the first Rana (Empress) almost 70 years since ang huling humawak ng korona nito--with a catch. Isang kasal lamang ang namamagitan kay Mayari at ang trono, at ilang buwan na lamang ang natitira bago siya makipag-isang dibdib kay Raja Agares sa isang makasaysayang Wedding of the Century. Ngunit wala na si Mayari--namatay siya sa isang aksidenteng mukhang sinadya. Si Andreyang nasa katawan niya ngayon ang mukhang magtutuloy, ngunit wala siyang halos maalala tungkol sa buhay ng susunod na Rana. Dala-dala lamang niya ang kanyang mga alaala sa buhay niyang nakaraan. Magagawa ba niyang maitawid ang sarili sa komplikadong buhay ng mga Maginoo't Maharaja at makabalik sa dati niyang mundo? Written in Filipino-English (Taglish) Alternate universe, alternate history, slowburn, romance, magical realism. Modern day setting. Rated PG for mature themes.
16 parts