Copyright ©2015, piichiieme. Gabrielle Louise Almeda grew up in a complete family. Alagang-alaga siya at nabibigyan ng mga pangangailangan niya. Pero nang dumating si Kristian Dela Peña, ay nag-iba ang lahat. Nawala na parang bula ang dating atensiyon na ibinibigay ng mga ito sa kanya. Para sa kanya, si Kristian ang kontrabida sa pamilya. Pero isang katotohanan ang bumago ng lahat. Ang akala niyang si Kristian ang kontrabida, ay siya palang talaga. Siya ang totoong sampid at hindi ang binata. Hinanap niya ang totoong pamilya niya at ilang taon siya doo'ng tumira. Nang bumalik siya sa kinalakihang pamilya ay maraming nagbago. Maaari bang pati ang nararamdaman niya ay magbago nang muli niyang makita si Kristian? Pwede bang maging magkaibigan sila sa kabila ng kagaspangan ng ugaling ipinakita niya noon? At masusuklian ba niya ang nararamdaman nito para sa kanya ngayon?