Story cover for Pangarap Lang Kita (completed) by TheJUANITABANANA
Pangarap Lang Kita (completed)
  • WpView
    Reads 520
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 2
  • WpView
    Reads 520
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 2
Complete, First published Nov 29, 2014
"Isa kang tala,
nakikita kita pero napakalayo mo para mahawakan. Para bang ginawa ka lang para
pangarapin ng isang tulad kong nangangarap."

TheUNWANTED_WRITER'S NOTE:

Kung sawang-sawa na kayo sa mga kadramahang nakikita ninyo
sa TV ay 'wag niyo ng subukang pindutin ang "Start Reading" dahil madrama ito.
Manood na lang kayo ng Mr.Bean o kaya naman ay humanap ng salamin para
laughtrip. Isa pang pakiusap, 'wag kayong magsayang ng oras para magcomment
lang dito ng mga mean comments. Sira ang puso ko ngayon kaya naisip kong
magsulat ng heartbreak story. Hindi ko kayang ipagsigawan ang nararamdaman ko
kaya ang mga letra na lang ang humihiyaw para sa nararanasan ko ngayon pero kung
sanay na naman kayo sa mga drama ni Sharon Cuneta ay tara na't parehas nating
ipagdiwang ang pagiging sawi sa larangan ng pag-ibig.

Kung nakapagdesisyon ka na at napag-isipan mong humanap ng
ibang author ay wala akong magagawa pero kung okey lang sa'yo dahil parehas naman
tayo ng nararamdaman ay tara na't parehas nating abutin ang tala. <3

"Masarap umibig pero mas masarap yatang makakain ng libreng
pandesal."(+__+)

P.S

Comment niyo naman kung gagawin
ko 'tong story at kung  idadag ko ang
happy ending.

Gracias.
All Rights Reserved
Sign up to add Pangarap Lang Kita (completed) to your library and receive updates
or
#604torpe
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 9
Amaging Obra Maestra cover
The Right One cover
Sana Ako Na Lang  cover
Sacrifice cover
When the Pain eased cover
That Reminds Me Of You cover
Scratch Heart cover
GUSTO KITA KASO DI PWEDE cover
Salamisim cover

Amaging Obra Maestra

64 parts Complete

Sa puso ng manunulat nananahan ang bumubukal niyang imahinasyon at ang damdaming inuukit ng kanyang walang hanggang kamalayan. Sa pamamagitan ng kanyang mayuming kamay at malikhaing kaisipan ay naisasalin sa panulat ang mga akdang nilililok ng panahon, lipunan, kasawian, pag-asa, at samu't saring inspirasyong nagpapaigting sa kanyang dugo. Nilulunod ng mga salitang ito ang tunay niyang suliranin at hinanakit sa daigdig. Hindi patas ang mundo para sa tulad niyang manunulat. Sapagkat gaano man siya maghangad na matunghayan rin ng iba ang kanyang likha, at maramdaman din ang emosyong nakapaloob sa bawat hibla ng kanyang dila, wala talagang pumapansin. Pinaglipasan na ng panahon at unti-unti nang tinutubuan ng amag. Marahil nga'y may mali. Marahil nga'y may kulang. Marahil nga'y may tamang pagkakataon para sa lahat. Gayunpaman, walang humpay pa rin sa pagpintig ang kanyang puso, at hindi pa rin nagwawakas ang kanyang sariling kwento. Hindi siya titigil sa pagbuo ng mga kwentong magmumulat sa mata ng iba, kahit wala mang magbasa. Patuloy pa rin siya sa pangangarap at pananalig, na sa pagdating ng tamang panahon, ay magisnan rin ang kanyang amaging obra maestra. (The compiled version of my short stories)