Isang imahe ng batang lalaki ang laging nakikita ni Camilla sa panaginip niya kung saan pinangakuan siya na magkikita ulit sila pagdating ng panahon at wala nang iba pang babaeng mamahalin kundi siya lang. Nasa kalagitnaan sila ng klase nang may kumatok sa pinto at sinabing isa siyang transfer student. Kumunot naman ang noo ni Camilla ng makitang sobrang pamilyar ang mukha ng lalaking transfer student at naalala niya ang batang lalaki sa panaginip niya. Sa palagiang pagtitig niya sa lalaki ay di niya namalayan na nahulog na pala siya at tsaka naman ginugulo siya ng utak niya tungkol sa batang lalaki sa panaginip niya at ang mga pangako nito sa kanya.