Ang paniniwala natin minsan ay madaling masira, maramaing tukso at balakid ang humahamon sa atin.  Minsan tayo ay nadarapa at natatakot na muling bumangon. Minsan ang akala nating mali at tama pala. Minsan nakaklimutan na natin siya pero tayo hindi nya kakalimutan kailanman. Minsan ang pagkakataon ay parang baso na kapag nabasag ay mahirap buoin pero nandyan parin sya para bigyan ka ng isa pang bagong baso - bagong buhay. Minsan sinasabi natin sa iba na wala naman talaga sya pero ang totoo alam mong katabi mulang sya. Ang diyos natin ay sadyang mabuti, mapagmahal, maunawain at maalalahanin. Ang bawat paggising mo sa umaga ay isang bagong simula. Ang bawat pagsikat ng araw ay bagong pag-asa. At ang bawat pag-lubog ay tanda ng bukas. ang Estoryang ito ay maaring maihanlintulad sa Pelikulang "GOD's NOT DEAD" Dahil iyon ang nagbigay saking ng dahilang upang isulat ito.