Badtrip na badtrip si Abby doon sa lalaking pumuna sa kanya sa restaurant noong kumakanta siya. Sabihan ba naman siyang pangit ang boses at hindi na nito malasahan ang pagkain dahil sa kanta niya? At ang kapal ng army boy na iyon na ligawan siya para daw, pasukuin siya?! Puwes, ito ang susuko sa kanya. Siya ang magpapasuko.