"Dre past is past! 3 years na. Magkita man kami ulit wala na sa akin 'yon. Wala na akong nararamdaman kahit ano. Kahit galit sa ginawa nya." natatawang sagot ko kay Jake habang iniintay ang pagdating ng kuya ko. Halos sabay kami napalingon sa may pinto ng marinig namin na may pumihit ng doorknob. Agad pumasok si kuya Clavid pero nabaling ang tingin ko sa kasunod nyang babae . Di ako makagalaw sa kinauupuan ko. Feeling ko huminto ang paghinga ko pati pag ikot ng mundo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang nanlamig ang buong katawan ko. Ano 'tong nangyayari sa akin? Di ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Nakatitig din sya sa akin na parang nagtataka sa reaksyon ko. Gusto ko magsalita pero wala akong maisip na sasabihin. Totoo ba 'to? Ang playboy na tulad ko nauutal sa harap ng "ex" ko. Bakit parang nagbalik 'yon lahat ng sakit? Bakit nararamdaman ko 'yon pakiramdam ko noong huli kaming nagkausap? Di ba kasasabi ko palang na wala na? Anong nangyayari? " Hi Clyde! Nice to see you again." sabi nya sa akin na nagpabalik sa katinuan ko and she's smiling while waiting my response. Wala akong mabanaag na kahit ano sa mukha nya. Ano nga bang hinahanap ko? Ang makitang tulad ko na parang nagbalik sa nakaraan. Na hanggan ngayon pala di pa din nakakalimot sa nakaraan. "Yeah, long time no see Nerize." sagot ko sa kanya at ginantihan ko sya ng aking pinakamatamis na ngiti. Her face turns pink. Agad nyang tinanggal ang tingin nya sa akin at binaling sa kapatid ko.I don't know kung ano iniisip nya sa akin ngayon. Pero one thing for sure, di ko hahayaan mahulog ulit sa kanya and i'll make sure na pagsisisihan nya ulit pag kikita namin. But, wait. What she's doing here in our Company? And why she's with my brother? What the hell is happening?
29 parts