Maayos pa ang relasyon ni Jay at Krista nang huli silang magkausap ngunit nagtaka si Jay kung bakit wala siyang natanggap na sagot sa lahat ng text at tawag na ginawa niya kaya napag-desisyunan niyang puntahan ito sa kanilang bahay. Simula noong huling araw na nagkausap sila ay hindi na pala nagising si Krista ngunit buhay pa rin ito. Nagising ito kalaunan sa araw na iyon ngunit isang malaking misteryo ang hindi inaasahan ni Jay. Hindi siya maalala nito at ang naaalala nito na boyfriend niya ay ang kaniyang ex. Sa tuwing natutulog ito at nagigising ay hindi siya maalala nito. Lagi niyang pinapaalala kay Krista kung sino siya ngunti sa bawat pagtulog at paggising nito ay nakakalimutan siya. Handa pa ba si Jay na ipaglaban ang pag-ibig niya kay Krista kahit na lagi siyang nakakalimutan nito? Hanggang saan niya kayang ipaglaban ito?All Rights Reserved