Hi! My name is Jasmine Khiel Mendoza-Alvarez. Babae ako, syempre. Rich kid din pero akala ng lahat magiging masaya na sila kung marami silang pera at mabibili na nila ang lahat ng bagay na gusto nila. Pero kung ako ang tatanungin?Para saakin hindi. Hindi ko maga-gawang maging masaya. Oo nga, mabibili ko lahat ng gusto ko, except sa tatlo at yun ang pagmamahal, totoong kaibigan, at higit sa lahat ay ang pamilya. Jack Neil Santos-Alvarez ang pangalan ng dad ko at Khiela Marie Mendoza-Alvarez naman ang pangalan ng mom ko. Masaya naman kaming namumuhay. Palaging nagbo-bonding, kakain ng mag-kasabay, magta-tawanan at mag-aasaran. Pero sa isang iglap, nawala yun lahat sa akin. Nagkaroon kami ng car accident 6 years ago. Namatay si mommy dahil sa isang severe blood lost, nabalian si dad sa braso at sinemento yun kaya okay na yun ngayon, at ako naman nagka-phobia kaya marami na akong kinatatakutang bagay pagkatapos ng aksidenteng yun. Marami na ding nagbago, nag-bago na ang pakiki-tungo ni dad sa akin at focus na focus talaga siya sa trabaho sa companya. Kung gagawa ako ng topic, ang ikli lang sumagot. Naiintindihan ko naman siya, at alam kong hindi pa kayang mag-move on si dad. Marami ang nawala sa akin nung time na yun. Nawalan ako ng ina. AT nagiisa kung tinuring na bestfriend. Nalaman ko kasing pera lang ang habol niya sa akin. Isang dakilang plastic. Ang swerte ko diba? Hanggang sa umabot ang panahon na hindi ko inaasahan------- ang ipinakasal ako ni dad sa hindi ko kakilalang lalaki. -UnknownOfTheBlue