Matangkad, matalino, mayaman, unico iho at guwapo. Iyan si Marty. Nasa Ikatlong taon na siya sa kaniyang kursong Medical Technology. Nuon yatang nagsabog ng suwerte ang Diyos, nasahod na niya lahat. Sa buong campus sa isang pribadong unibersidad kung saan ako pinalad na matanggap bilang iskolar, siya ang tinatawag nilang "crush ng bayan"! Ako si Mia. Maganda, maputi at matalino. Nasa ikalawang taon ako sa BS Biology. Gusto kong maging manggagamot pagdating ng araw kung ipapahintulot ng Diyos. Mahirap lamang kami at panganay sa tatlong magkakapatid. Lumaki ako at nagtapos ng high school bilang valedictorian sa aming eskwelahan sa probinsiya. Isa rin akong champion sa Taekwondo sa aming paaralan kaya ako nakuhang iskolar sa unibersidad na ito. Ang routine ko sa loob ng halos dalawang taon ng aking buhay dito ay boarding house, school, trabaho. Kailangan kong makatapos upang makatulong sa aking mga kapatid at mga magulang.