In Keera's eyes, men are just tools she can use then toss aside after. Bilang sa daliri ang masasabing pinagkakatiwalaan niya. One day, na-kidnap siya't ginawang basura ng mga dumukot sa kaniya. Matapos niya mapatay ang mga ito, dala na rin ng mga natamo niyang sugat gawa ng mga kawalanghiyaan ng mga dumukot sa kaniya, sumuko na siya't naisipang hintayin na lang ang kamatayan niya pero biglang dumating ang dalawang 'tao' na nagpakilala bilang sina Mago at Izzy na siyang sumagip sa kaniya. Bilang kapalit sa buhay na ibinigay sa kaniya, nagpagkasunduan ng mga ito na dapat niyang mabago ang ugali ng kapatid ni Izzy. Nainis siya dahil hindi naman siya rehabilitation center para magpatino ng mga taong may sira ang ulo pero nang sabihin nito na dalawang buwan lang ang palugid ng misyon niya, natahimik siya. Hindi niya man gusto, kailangan niya paibigin ang business man na si Tristan sa loob lamang ng dalawang buwan dahil kung hindi, may kamatayang naghihintay sa kaniya.