Maynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa probinsiya ay pinangako niyang titiisin at papasukin ang lahat ng trabaho na magbubukas ng pintuan para sakanya basta marangal at may sapat na pasahod. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon sa lugar din palang 'yon niya makikitang magising ang natutulog niyang puso. Lahat ng takot at agam-agam ay naglaho nang makilala ang suplado at misteryosong Guillieaes. Ngunit hangang saan kakayanin ang pagmamahal sa oras na isa-isang mabunyag at magising ang galit sa puso ng mga taong nakapaligid sakanila?