Minsan nagkakaroon lang ng pagkakataon kung kailan maikli lang ang panahon. Minsan naman nagkakaroon nga ng panahon kaso wala namang pagkakataon. Mula kahapon, ngayon at hanggang sa mga susunod pang bukas walang pinipiling panahon ang tadhana. Sa katunayan minsan sadyang mapaglaro ito. Hindi mo alam kung kailan ang tamang oras para sa mga bagay-bagay kaya wala ka rin minsan ibang magawa kung hindi sumabay na lang sa agos nito.