First year college pa lamang si September San Jose ay pinangarap niya ng makuha ang unang pwesto sa Dean's Lister ng kanilang departamento sa pinapasukan nyang unibersidad. Pinagsamang talino at sipag sa pag-aaral ang kanyang puhunan ngunit kahit kailan ay hindi niya nagawang makamit ang unang pwesto dahil kay Clinton Buencamino. Ang lalaking itinuturing niyang karibal at kakompetensya mula noong unang semestre hanggang ngayon. Ang lalaking kahit anong gawin niya ay hindi niya matalo talo. Ang lalaking palaging naglalagay sa kanya sa ikalawang pwesto. Dahil sa hangarin ni September na matalo si Clint ay nagdesisyon siyang pasukin ang isang kasunduang hindi nya inaakalang magpapabago sa buhay nilang dalawa. Kasunduang babago sa kanilang tadhana at gugulo sa tibok ng kanilang puso. Ano'ng mangyayari kung ang kasunduang pinasok ni September ay mag-iba ng direksyon at hindi umayon sa kanyang mga plano? Posible bang maging masaya ang pag-ibig na hindi tama ang naging simula?