Si Celestine Pearl Quintana ipinalaki sa mayamang pamilya ngunit hindi naramdamang kabilang siya rito. Mayroon siyang kambal na may sakit sa Puso kaya laging abala sa pag aasikaso ang kaniyang mga magulang na halos wala ng oras para alalahanin siya simula pagkabata. Di kalaunan ay na diagnosed si Celestine sa sakit na Brain Tumor at isa lang ang pwedeng piliin ng kaniyang mga magulang pero hanggang sa pagkakataong ito ay hindi siya iyon.q Pwersahan siyang pinatay na kuntawagin ay Euthanasia at naging donor para sa heart transplant ng kaniyang kapatid. Dahil sa masaklap na pangyayari ay binigyan siya ng tadhana ng pangalawang pagkakataon para mabuhay at bumangon sa kaniyang hukay. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na balang araw ay kakalabanin niya ang company na pinakamamahal ng kaniyang Ama at papanorin ang pagbagsak nila. Ngunit paano kung matutunan niya sinasabi nilang Tunay na pag-ibig at tuluyan itong maunwaan dahil sa isang lalake. Mananaig parin ba ang galit niya o kakalimutan niya ang lahat.