Nabuo ang kanilang samahan nang dahil sa pagkakaiba-iba ng kanilang mga ugali, paniniwala at prinsipyo sa buhay. Dahil doon ay mas tumibay ang kanilang pagsasamahan, isama pa ang mga nabuong pag-iibigan. Sinong mag-aakala na si Amber- na hate na hate si Nicholas- ay magkakagusto dito at sino namang mag-aakala na maiinlove ang isang tulad ni Nicholas- na kilala bilang dakilang babaero sa loob at labas ng campus- na maiinlove sa isang tao ayaw sa kanya? Si Felicity na daig pa ang lalaki sa lakas at galaw- ay mafo-fall in love sa kanyang long time best friend na si Lucas- na syang may lihim na pagtingin sa dalaga mula pa noon. Si Veronica na matalik na kaibigan lang ang turing kay Russel- na syang may gusto sa dalaga mula pa noong una nya itong makita- ay minahal si Russel. Sino ring mag-aakala na ang tatahi-tahimik lang na sila Jacqueline at Kenneth ay may lihim palang relasyon. Isama pa si Margaux na nafall in love kay Alexander na syang anak sa labas. At syempre, si Rebecca at Matthew.