-Prologue- Napapikit nalang ako-- sobrang baho ko na dahil sa binuhos nila sakin napaiyak na naman ako bakit ko ba nararanasan toh Wala naman akong masamang ginawa naging mabait naman ako di ako pumapatol sa mga nananakit sakin. Napatigil ako sa kakaiyak ng may marinig akong mga humintong sasakyan at Alam Kong sa tapat ng bahay namin Yun. Nakita ko namang nagmamadaling pumunta si tita sakin kasunod ang mga lalaking nakaitim at sa gitna nila merong babae at lalaki na kasing edad lang siguro ni tita. A-ayun s-siya," nanginginig akong tinuro ni tita. Tiningnan ko Naman ang babae at lalaki ang babae umiiyak habang ang lalaki walang emosyon pero makikita mo pa din sa mata niya ang pangungulila at awa. Bigla namang lumapit ang isa sa mga nakaitim at binuksan ang pinto. Agad Naman akong lumabas-- pagkalabas ko bigla akong niyakap nung babae. naiilang ako Kasi di niya ba napapansin sobrang baho ko mukha pa naman siyang mayaman. "Ang anak ko huhuhu," umiiyak na Sabi niya-- Teka anak?