Sa gitna ng tagumpay niyang tinatamasa ay hindi pa rin makuhang maging masaya ni Gracell Ann Alonzo. Naging ganap nga s'yang published author at nakapagpatayo ng sariling coffee shop pero hindi pa rin no'n magawang punan ang kakulangan sa kaniyang buhay. Uhaw at sabik pa rin s'ya sa pagmamahal ng tunay n'yang ina. Hangad nyang mapansin ng artistang iniidolo at pinapangarap. Ngunit anong saklap ng buhay niya't para bang ayaw s'yang maging masaya. Dahil sa kabila ng paghahangad ng pagmamahal ay lalo lamang syang ibinabaon sa sakit. Hanggang kailan n'ya mapapanindigan ang sariling katagang "HINDI AKO SUSUKO?" Hanggang kailan n'ya kakayanin ang sakit at lungkot? Makuha pa kaya nya ang maging masaya? DATE STARTED; AUGUST 25, 2021 DATE FINISHED; FEBRUARY 18, 2022All Rights Reserved