Kilala si Stefano bilang career-driven. Handa siyang isakripisyo lahat ng kasiyahan niya para makamit ang pangarap niya sa buhay. Kahit pa i-sakripisyo ang pagmamahalan nila ni Ethan. Makalipas ang ilang taon, may sarili na siyang pamilya. Ngunit nagbago ang lahat nang pumasok sa larawan ang step-sister niyang si Chloe habang pinapakilala ang fiancé nito. Hindi makaimik si Stefano dahil ang lalaking idinala ng kapatid niya sa bahay nila ay ang nag-iisang lalaking minahal niya. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, si Stefano ang gustong kunin na best-man sa kasal ni Ethan.