Nasubukan niyo na rin bang magmahal sa taong malabong maging inyo? Lalaking walang ibang ginawa kundi balikan ang nakaraan niya? Lalaking tanging iisa lamang ang nasa kaniyang puso? Lalaking nakakulong mula sa nakaraan niya? Sa sobrang pagtanaw niya mula sa kaniyang nakaraan. Hindi niya alam na may taong naghihintay para sa kaniya. Kailan niya ba mapapansin ang isang katulad ko na nangangarap na mahalin ang isang katulad ko? Nakakasawa na kasing pakinggan ang kwento n'yang walang ibang binabanggit kundi tungkol lamang sa nakaraan niya. Lagi na lang siya, sana. . . dumating ang araw na ako naman.