Lahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong pinakamamahal nila. May mga sinuwerte na mahalin din pabalik, ngunit mayroon ding mga hindi pinalad-mga pusong nagmahal nang buong-buo ngunit hindi kailanman naging sapat para sa taong kanilang minamahal. Lahat tayo ay may kanya-kanyang antas ng karupukan, lalo na kapag tunay at labis ang ating pagmamahal. Sino nga ba ang makapagsasabi kung kailan sobra na ang mga sakripisyong ginagawa natin para sa isang tao? At sino ba ang hindi kahit minsan nagpakatanga para sa tinatawag nilang pag-ibig? Sa pag-ibig, walang kasiguraduhan. Walang patas na laban. Minsan, ang pinakamamahal natin ang siya ring pinakamalaking sakit na mararanasan natin. Kaya sa maruming laro ng pag-ibig, sino nga ba ang tunay na mananalo? Ang taong nagmahal nang higit sa kanyang sarili? O ang taong naging hangal upang pakawalan ang isang taong handang ibigay ang lahat para sa kanya?
More details