Si Angela ay lumaki ng walang gabay ng kanyang mga magulang. Maaga kasi itong binawi sa kanya. Sa murang edad pa lamang, nasanay siya sa pambabatikos na kanyang natanggap. Bukod kasi sa ulila na siya, may malaking peklat din siya sa mukha. Inakala niyang tatanda na siya ng walang pagbabago sa kanyang buhay ngunit isang araw nagbago ang lahat. Things started to change especially when her 18th birthday came. Sapagkat nang dumating ang araw ng kanyang kapanganakan, dito niya makikilala ang lalaking gugulo sa malungkot at mapag-isa niyang pamumuhay. Sino nga ba siya-ang lalaking panay ang paglitaw sa kanyang panaginip, at panay ang pagsulpot sa kanyang realidad? Malalaman niya kaya ang kwento sa likod ng mga sugat ng kanyang nakaraan at malalaman niya kaya ang katauhan ng taong kumatok sa kanyang kaarawan?