Gusto lang naman niyang maging perpekto para lang sa buhay na kailanman ay hindi na siya makakawala. Nang pumasok siya sa buhay may asawa ay akala niya magiging masaya na siya, pero ang akala niya ay isa rin palang malaking kalokohan. Nalaman na lang niya isang araw, pinagmukha na pala siyang walang kwentang tao. Sa buhay niyang ganun, maaayos pa kaya niya ang buhay na inaakala niya ay magiging maligaya siya O tuluyan na siyang bibitaw?