Ang tagal namang makakita ng sasakyan. Ito lang talaga ang disadvantage kapag isa ka sa mga poor student na walang hatid-sundo na sasakyan. Di ka naman pwedeng maki-ride lang dahil pagtataasan ka ng kilay ng mga magulang ng kaklase mo. Haaay buhay. Ang hirap talaga maging poor student, ang hirap. Pero mas mahirap ang buhay ng poor student na nga, nagkokomyut pa. Laging ikaw laban ang karumal dumal na mundo, sa sasakyan nagsisimula ang tunay na kahulugan ng salitang IMPYERNO.