Isang malakas na sampal namayani sa silid na kinaroroonan ko ngayon. "Kalapastanganan!!! Alam mo ang mangyayari sayo sa ginawa mo Kino. Isang pagkakamali ang magmahal ng tao!!" Nanatili akong tahimik at dinadaing ang sampal na inabot ko dahil sa katangahang nagawa ko. "Pinadala ka dun para bantayan sya,pinaglagpas ng mga tagahukom ang ginawa mong pagpapakilala at pagpapakita sa babaeng yun dahil magaling ka,ngayon naman ay inibig mo ito?" "I don't ca-" "Paano pag di ka nya mahalin pabalik?Ha Kino?" Napaisip ako at napangisi, imposible sinabi nya sakin na mahal nya ako ano mang mangyari. "Mahal nya ako Kael" napapailing syang iniwan ako.