Five years ago, I met a guy online. Mali ang iniisip mo. Hindi kami na-in-love sa isa't isa. Hindi ito love story 'no. But we did have a unique relationship. I mean, friendship. Hindi nga kami na-in love, di ba? Friendship lang talaga. We don't even know each other's real names.
At ang kuwentong ito, well, ito lang naman ang ultimate evidence na magpapatunay na kasinungalingan ang lahat ng nakasulat sa itaas. Hindi daw 'to love story? Friendship lang daw? Basahin niyo na lang itong ebidensiya at kayo na ang humusga.
Alam mo ba yung pakiramdam na love mo yung isang tao ng four years? At hindi mo masabi sa kanya yon? Pano kung yung guy kasi eh yung pinakasikat na guy sa school niyo? Yung nagugustuhan ng lahat ng girls? Pano pa kung may nagkakagusto din sayo tapos inaantay ka lang niya? Story ito ng friendship, first love at true love.