Hindi ito pang karaniwan na istorya na nababasa mo sa wattpad , napapanood mo sa mga korean drama at sa mga pelikula na kung saan ang bidang babae ay maganda, mala Coca- Cola ang katawan, matalino at mayaman. Masasabi ko na hindi ako maganda, ngunit may mapagmahal na pamilya. Hindi mayaman pero maraming kaibigan.Kuntento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon at masasabi kong masaya na ako doon. Ngunit nang makilala ko siya, parang gusto ko na lamang humiling ng sobra.