Walang tayo, pero parang mayroong tayo. Para tayong naglalaro ng tagu-taguan sa liblib ng iyong islang puno ng matatayog na puno, at mga mababagsik na hayop na kahit sino'y walang nakakaalam.
Gusto kita, gusto mo ba 'ko? Hanggang kailan ka magtatago kung ang isla mo'y unti-unting kinakalbo ng iyong sariling kamay at puso? Ililihim mo ba ang iyong nararamdaman hanggang sa huling puno na lamang ang nakatanim sa islang iyong pinagkakapitan?
Kailan mo mamamalayang sa'yo'y ako'y palapit, aking sinta, kahit ako'y iyong tabuyin nang paulit-ulit?
Pitong oras; labing-anim na minuto at dalawampu't-isang segundo, bago ako mamahinga sa silid na itinayo mo, kung saan ako'y malayo sa'yo.
tilalilac 2021
All Rights Reserved