Fan ako ng KPOP since 2009, pero never ako pumunta sa mga gatherings, bumili ng merch, or nagcheck ng mga cover groups. Sa makatuwid, wala akong alam sa ibang mga KPOP fans. I'm more on the fanfiction stuff kaya... ayun.
Around 2012, nung pumasok na ako sa College, noon lang ako sumubok na humanap ng mga KPOP Cover Groups. Sa tulong na rin ng dalawa kong ka-dorm na KPOP fans din, may ilan akong nadiskubre. Pero wala pa din talaga. Hindi ako magka-interes. Ewan ko ba.
But there's this one certain Korean-looking guy sa school ko na talaga naman nakakuha sa attention ko. Si Kuya Rupert Matthew Manalili. I had no idea who he was or how our meeting is going to change my life.
Basta ang alam ko lang, katulad ng iba pang fans niya, na-love at first sight ako. Napana ng todo. Sagad hanggang kaibuturan ng puso. Dikdik na dikdik pa. Ang kaso lang, pana nga eh. Syempre masakit.
●●●●●
♡_ichini
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro.
NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLETE, BUT is currently being revised. Other chapters are presently not posted and will be published again once edited. Hope you understand. Thank you