Noong umulan yata ng favoritism si tadhana, sinalo lahat ng isang Maria Soveleigh Kora. Maria Soveleigh Kora ang dalagang hangad lamang ay magkaroon ng isang perpektong pamilya. Ngunit dahil sa kasinungalingan ng kanyang ama, mawawasak ang inaakala niyang perpekto. Simula no'n ay nagbago na ang kanyang pananaw sa buhay. Nais na lamang niya makapagtapos ng pag-aaral at hindi muna aatupagin ang pagkakarooon ng kasintahan, upang masuklian ang mga sakripisyo ng kanilang ina. She wants to become a photographer someday, famous indeed, she really love capturing something interesting. A beautiful scene that caught her eyes. At sa pag-abot niya ng kaniyang pangarap, roon niya makikilala ang mga tao na magpapagulo sa tahimik niyang buhay.