Noong bata ako, madalas kung maririnig na kung mahal mo ang isang tao ipaglaban mo. Walang mali sa pagmamahal. Maging masaya ka lang kung makasama mo ang taong iyong minahal. Pero bakit ngayon, ginawa ko naman lahat nasasaktan parin ako. Kasama ko naman siya, kinasal na rin kami pero iba ang mahal niya. Di naman kasi nila sinabi na dapat mahal nyo ang isa't-isa. May magagawa pa ba ako? Binigay ko na lahat eh, wala parin. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya naging masama ako, pati magulang ko galit sakin, kaibigan ko lumayo sakin pero lahat ng yan kaya kung tiisin manatili lamang siya sa akin. Akala ko tama na yon di parin pala. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal niya na ni minsan di nya kayang ibigay sa'kin. Kasama ko nga siya, iba naman ang nasa isip. Asawa ko nga siya, iba naman ang mahal niya. Kailangan ko na ba talagang magparaya? Akala ko kasi sapat na kong ipaglaban ko sya. Masakit rin palang maramdaman na ayaw niya. Habang lumapit ako sa kanya, lumalayo siya. Hindi naman seguro masama ang sumuko eh. Gusto ko lang munang hanapin at mahalin ang sarili ko. At bigyan sila ng kalayaan na magmahalan na sya na dapat nangyari kung di ko sila ginulo. Sana mahanap ko ang kaligayahan na para talaga sa akin at ang kapatawaran mula sa lahat ng taong nasaktan nang dahil sa akin.Todos los derechos reservados
1 parte