Choco Mint (Little Cupcakes Series: Book 2)
11 Parte Kumpleto Pretend girlfriend ang role ni Gwen sa buhay ng best friend niyang si Tony para pagtakpan ang gender problem nito.
Single mom naman ang role niya nang kupkupin si Mint na inulila ng kanyang ate.
Wala na siyang reklamo sa takbo ng kanyang buhay. Pero nagulo ang sitwasyon sa biglang pagsulpot ni Renton, ang totoong ama ni Mint.
Noong una, hindi pumayag si Gwen na magpakilala ang lalaki kay Mint dahil para sa kanya, wala na itong karapatan sa bata nang iwan nito ang mag-ina. Pero tinakot siya ni Renton na magkikita sila sa korte kung hindi siya papayag kaya wala siyang naging choice.
Habang tumatagal ang pagsasama nila ni Renton, may na-realize si Gwen. Parang gusto niyang dagdagan ang role na gagampanan. Parang gusto niyang maging girlfriend ng tatay ni Mint. Si Renton naman, parang hindi lang ang pagpapakaama kay Mint ang gusto, kundi ang maging tunay na siyang ina at maging totoo na silang pamilya. Pero paano? Nakakulong pa siya sa kasunduan nila ni Tony, habang may babae naman sa nakaraan ni Renton na bumalik sa buhay nito.