Sa isang kagubatan may nakatirang isang gecko at isang daga. Isang araw may mga tao na dumating sa gubat upang manghuli ng gecko.Nag-iisip ang gecko kung saan siya magtatago at nakita niya ang daga."Kaibigang daga! kaibigang daga!" tawag ng gecko."Ano ba kailangan mo kaibigang gecko?" sabi ng daga "kailangan ko tulong mo! dahil may mga tao na hinuhuli ako para pag-expirementuhan, para gawing gamot sa may mga aids" wika ni gecko."Paano ba kita matutulungan?" tanong ni daga."Kailangan ko ng pagtataguan! Itago mo ako kahit saan na hindi makikita ng kahit sino man" sagot ni gecko. Nakaramdam ng gutom ang daga kaya nakaisip siya kung saan niya ito itatago."Alam ko na! sa aking bibig ka nalang magtago!" sabi ng daga."Maganda yang naisip mo kaibigan! Sige! ibuka mo ng malaki ang iyong bibig at papasok na ako!". Ibinuka ng malaki ng daga ang kanyang bibig at pumasok ang gecko na walang kaalam-alam na may masamang balak pala ang daga.Nang makapasok na ang gecko agad namang itong nginuya at nilunok ng daga. Hmmmmmmm....buuuurrrrrrrpppppp!!! salamat sa kaibigan kong gecko at nabusog ako! sabi ng daga. Aral: Huwag magtiwala sa kahit sino man. Ito ay gawa ko noong 1st year pa ako sa ay nagustuhan niyo :) Follow me on wattpad @secretviolet twitter @secrcretviolet instagram @secretviolet12All Rights Reserved