Sa gitna ng pag-aagaw buhay ni Angelique, ang pagsilip niya sa mga mangyayari sa hinaharap. Ang laman ng kaniyang mga panaginip? Si Nathan, ang taong nagligtas sa kaniya mula sa tiyak na kamatayan. Simula nang magising mula sa isang taong pagkakatulog, hindi na niya maalala ang mga nakita sa hinaharap, bagkus, nakikita niya lamang ang ilan sa mga ito sa pamamagitan ng kaniyang mga panaginip. Sa una ay hindi siya naniniwala...Baka nga ay guni-guni, o gawa-gawa ng mga illuminati. Hanggang sa makita niya ng kinakatakutan- ang KAMATAYAN.