Isang third year high school student si Ms. Annika Nycoll. Mayaman, maganda't sexy, matalino, mabait, mapagbigay, mapagmahal na anak at masunurin na bata. Halos lahat na siguro ng gusto ng isang lalaki sa isang babae ay nasa kanya niya. Wala ka nang hahanapin pa. Pero ang mga katangiang iyan ay hindi nakikita ng ibang tao sa kanya. Bakit? Dahil binabawalan siya ng kanyang ama na maging mabait sa ibang tao dahil baka pagsasamantalahan lang ang kanyang kabutihan. Kaya sa halip na ipakita niya ang tunay na Annika, nagpapaka maldita siya sa harap ng iba. Pero hindi ito nagtagal ng biglang dumating ang isang Rusdie McCartney sa buhay niya na siyang nagpabago sa kanyang buhay at sa lahat. Matutuklasan kaya niya ang tunay na parte ng binata sa kanyang buhay o mahuhulog muna ang loob niya dito?