Pang karaniwan lang naman ang kwento ko ehh… CLICHÉ. Kwento na marami sa atin ang relate. Maranasan ang mag mahal; ang sumaya at masaktan. Gasgas na nga eh pero marami pa rin ang nabibiktima. Bakit? Siguro tao lang tayo. Nagmamahal. Nasasaktan. Parte na nga yata iyon ng siklo ng pagmamahal eh. Ang mahalin ang taong sa iba naman nakatingin. Mahal mo ay may Mahal na iba. Corny man pakinggan eh totoo, marami sa atin ang natatamaan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sasangayon ang iyong buong sistema dito sa puso.