Dati pa man ay naniniwala na si Penelope na ang kinalalabasan ng mga bagay bagay sa buhay natin ay resulta ng mga sarili nating gawain. Na tayo ang may kontrol ng mga sarili nating buhay at kailangan nating panindigan ang bunga nito. Ngunit nung nakilala niya si Aries, hindi niya sukat akalain na mababago nito ang kanyang pananaw⸺na may mga bagay na hindi natin kontrolado. Siguro nga totoo ang tadhana. At kahit man siya'y takot, si Aries ang rason kung bakit siya natutong sumugal.
18 parts