Nakilala ko lang naman siya nung 3rd year highschool ako. Nung una, wala lang, kaibigan lang tapos naging close kami. Hanggang hindi ko nalang alam, inlove na pala ako.
Pero, inlove nga ba talaga ako? O isang simpleng crush lang? Hindi ko rin kase alam. Grade 5 pa ako nung last akong nagkaroon ng crush at isang buwan lang yun tumagal. Pero siguro isang taon at kalahati ko na siyang crush. Crush pa kaya 'to?
4th year highschool ko na narealize na mukhang crush ko nga ata siya, matagal na.
Pano, dinedeny ko kase alam ko namang wala akong pag-asa. Pilit kong kinakalimutan.
Pero ngayon, nalilito na tuloy ako. Parang may nararamdaman din kase siya sa akin base sa mga kilos niya. Pero imposible din naman. Ay ewan. Basahin niyo na nga lang.
Ito ang hopeless romantic kong love story.
:))
Nangarap ka na ba na sana magkaroon ka ng third-eye?
Yung tipong makakakita ka ng mga kaluluwa?
Mga bagay na hindi makikita ng pangkaraniwang tao?
Mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensiya?
Para kasing ang astig no?
Dahil ako oo.
Inasam ko na sana makakita ako ng mga kaluluwa.
Hindi ko naman inakala na magkakatotoo pala ito.
Nakita ko na nga sila.
Nagpakita sila sa akin.
Nakasunod sa akin.
Astig nga ba talaga?
Hindi.
At iniisip ko na sana hindi ko nalang inasam.
Ito ang pamana na hinding hindi ko gustong mapasa akin.