"Yan na ba ang panganay mo mare? Ang laki na" "Siguro nakakatulong na 'yan sa iyo" "Hay nako tamad 'yan akala niyo ba. Siya nga ang dapat sunurin eh" "Ay akala ko pa naman masipag" "Ang ganda sana kaso tamad" "Kita mo 'o napaka pabayang ate niyan." "Tignan mo hinahayaan kapatid niya samantalang siya nakahilata lang" Kapag mali ng kapatid mo ikaw lahat ang sasalo. Kapag nag pahinga sasabihin pangay ka pero wala kang ginawa kundi mag pasarap. Kapag panganay ka ang bigat bigat kasi salo mo lahat ng galit, masasakit na salita at kung ano-ano pa. Kapag humiga ka tamad ka agad. Kailangan ikaw gagawa ng lahat sa bahay kapag nakita ang kapatid mong nasa lababo sasabihin pasarap ka lang. Lamon, tulog, cellphone lang daw ang ginagawa mo. Ikaw dapat ang maging Nanay/Tatay sa mga kapatid mo. Minsan, napapaisip ako ano kaya pakiramdam ng bunso? Ano kaya pakiradam ng hindi nasasabihan ng kung ano-anong kasinungalingan? Ano kaya pakiradam na maging simpleng bata? Kailangan ba salo ko ang lahat porket ako ang nakatatanda? Masarap daw maging pangay dahil ikaw ang masusunod pero mali ang pagiging panganay sa inyong magkakapatid ay isang napakalaking hamon sa buhay. Ipapahinga mo nalang sasabihan kapa ng masasakit na salita. "Tamad" "Piling reyna" "Palautos" At kung ano-ano pa. Sana ako nalang yung bunso para maranasan ko rin minsan ang maging paborito ng magulang.