RAPE IS RAPE!!! and by any means, hindi dapat ang pinagtatanggol rapist. Maraming babae sa Pilipinas ang biktima ng rape. Hanggang ngayon maraming kababaihan ang takot magsalita dahil sa trauma at bangungot na dala sakanila ng rape. Hanga ako sa mga kababaihan na naglakas loob na magsalita at harapin ang malagim na bangungot na dala ng rape sa kanilang buhay. VICTIM BLAMING IS NOT OKAY. Sobrang apektado ang Mental Health ng mga biktima, nakatatak na ito at hindi matatanggal sa kanilang buhay lalo na kung di pa nila nakakamit ang hustisya na hinahanap nila. Lagi silang babalik sa nakaraan, kung paano ito nangyari at ang sakit na dulot nito sa kanilang buhay. Sensitibong usapin ang rape at kailangan ng hakbang upang mag-ulat ng anumang sekswal na krimen, mahirap gawin at mahalaga na alam ito ng biktima at may mga sapat na detalye at tamang pamamaraan na susundan. Ang problema sa rape sa ating bansa, maraming kaso ang hirap mapatunayan na narape ang isang biktima, at maaring sabihin gawang kwento lamang ito ng biktima. Minsan kung kakilala o karelasyon ng biktima ay pinabubulaanan na sila ay narape. Kaya maraming biktima ang kawawa at sinisisi sapagkat di sila napapaniwalaan lalo na kung walang witness o ebidensya na sila ay narape. ANG RAPE AY PANGWAWASAK AT PANGAABUSO NG PAGKATAO NG ISANG BIKTIMA. Ang biktimang ito ay hindi dapat natin pigilang magsalita, bagkus tulungan natin silang makamit ang hustisya na hinahanap nila. Maraming pangarap ang naapektuhan sa mga naging biktima, pati ang pamilya at kaibigan nila ay apektado. Ang rape ay isang krimen. Ang rape ay pangaabuso. Ang rape ay hindi tama.