Ang pagkawasak ng pamilya, ang pagkakaroon ng iba't-ibang problema at suliranin ma pa sa buhay pag-ibig man o ang kakulangan sa pera ay isa lamang sa mga nagiging sanhi ng pagguho ng isang tao, ang pagdilim ng kaniyang buhay at pagkawasak ng kanyang mga pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya. Alam naman nating lahat na ang buhay ng isang tao ay mahalaga at hindi dapat sayangin o sirain, ngunit hindi natin maiiwasan ang mga pagkakataong problema na mismo ang kusang lumalapit sa atin upang sirain ang ating nananahimik na buhay na syang susubok sa ating katatagan. Ipapahayag sa akdang ito ang mga pangyayaring posibleng maganap sa totoong buhay sa mapapagitan ng mga karakter sa kwento. Ang "Patak ng Luha" ay nakatuon sa pamilyang dating puno ng kasiyahan at kasaganaan. Ngunit sa isang pagkakamali ng ilan sa kanilang kadugo ay mailalagay sila sa sitwasyong hindi nila pinangarap, ang pagkawasak ng kanilang pamilya, sa makatuwid, ang buhay na kanilang kinakatatakutan. Gaano sila katatag upang harapin ang iba't-ibang pagsubok na darating sa kanilang buhay? Sapat ba ang pagkakaroon ng pera upang talunin at malampasan ang madilim na nararanasan? At higit sa lahat, gaano kahalaga ang pagkakaroon ng positibong kaisipan upang makawala sa sitwasyong kailan man ay hindi nila pinangarap? Alamin ang kanilang kwento at tuklasin ang mga magiging susi sa kanilang pagbangon.All Rights Reserved