Prologue
"Ako si Alunsina, ang tagapangalaga ng Mundo. Ako ay narito upang ibigay sa inyo ang misyon upang iligtas ang mundo sa kapahamakan. Ang mga diyos ay natutulog, at sa di inaasahang pangyayari, mauunang magigising ang Bakunawa, at dahil wala ang nga diyos para pigilan sya, kanyang lalamunin ang huling buwan. Alam nating lahat ang sakuna na magiging dulot kung sakaling ang Mundo ay mawawalan ng buwan, tama ba ako?
"Walang nabubuhay na mortal, ang kayang kumalaban sa kapangyarihan ng bakunawa. Walang pag-asa ang sangkatauhan kapag walang diyos na haharap sa bakunawa.
"Subalit,
"May isang paraan....
"Ang Amang Bathala, ang pinagmulan ng lahat,ay natutulog din, at natutulog na simula ng malikha nya kami ni Tungkung Langit. Subalit aking nalaman, na sya ay nagkalat ng mga bertud na nagsi-simbolo sa kanyang kapangyarihan.
"Limang bertud na kapag nagsama-sama ay matutumbasan ang kapangyarihan ni Amang Bathala. Si Amang Bathala na di hamak na mas makapangyarihan sa kahit sinong nilalang sa sansinukob.
"Ang Perlas ng Silangan, na matatagpuan sa Sibat ng Hari ng Karagatan. Ang Bertud ng Puso ng Saging, na nasa pangagalaga ni Mariang Makiling. Ang Mata ni Agilos, na nasa pangangalaga ng mga Mulawin, ang Singsing ng Bulan na nasa kay Bulan, at ang huli.
"Ang Puso ng Bulkan, na sa kasamaang palad, ay nasa loob ng Bakunawa.
"Ang huling pagkagising ng Bakunawa, na hindi sumabay sa pagising ng mga diyos, ay sya na rin sanang katapusan ng mundo. Subalit aking pinakausapan ang aking Mahal na anak na si Bulkan, na magpanggap bilang ang Buwan. Iniaangat nya ang Kalahati ng Bulkang Mayon, at pinaliwanag niya ito gamit ang kanyang apoy na nagmumula sa Puso ng Bulkan. Iyon ang nilamon ng Bakunawa, at iyong ang huling bertud na kailangang makuha upang makamtan ang kapangyarihan na katumbas ng Amang Bathala at upang matalo ang Halimaw na Bakunawa.