I used to have evrything when I was a child. A perfect family, circle of friends, good grades. Not until that happened.
Flashback
"Audrey, tawag ka ni Tito Ron." sabi ni Jed, pinsan ko. "Osige." "Wait lang, Franz. Punta lang ako kay Tito." sabi ko kay Franz, boyfriend ko. Tapos dumiretso na'ko sa bahay/tindahan ng Tito ko.
"Kakausapin ka daw ng mama mo." sabay bigay sakin ni tito ng cellphone nya. "Hello?" "Ano 'tong nabalitaan ko?! May boyfriend ka daw?! Nako Audrey tigil tigilan mo yang kalokohan na yan ha! Baka gusto mong sabihin ko yan sa daddy mo!" sigaw ng mama ko sa kabilang linya. Syempre ako, tinanggi ko na may bpyfriend ako. Bawal talaga eh.
Kaya ko lang naman nagawa magbf kasi, hindi ko na nararamdaman na mahal pa ako ng mga magulang ko. Simula ng nagkaroon na ako ng mga kapatid, yung dating ako lagi ang napapansin, wala na. Wala ng atensyon ang napupunta sakin, lagi nalang ako pinagalitan. Kaya nagbf ako, para atleast, maramdaman ko na may nagmamahal pa sakin.